.

Monday, March 15, 2010

ANTIBACTERIAL SOAP istress

This is the first tagalog post ever. Starting now.  

Maligayang pagdating sa aking mahiwagang blog. Ako po ang inyong lingkod - CarlPaolo. Ako ang nagbabagang tagapagbalita para sa oras na ito! naks naman. Bob Ong style ang gamit ko ngayon ahh. Pansin niyo? Inspiring kasi mga libro niya. 

Pero. Ispeaking of libro, naghugas ako ng kamay kanina lang. at nabasa ko yung nakasulat. "Cherry flavored antibacterial soap". Napaisip ako. Bakit may flavor ang sabon? Eh diba nga pang hugas lang naman ng kamay? Baka gusto sabihin scented at hindi flavored. May nagsabi nga dati diba. "you only put flavor to something if you eat it". maliban na lang siguro sa condom ng iba diyan.

Kunsabagay nga naman, baka may kumakain ng sabon at trip nila ang bananaflavored soap.**nyeta.

Hindi lang yun ang napansin ko, mga kaibigan, at magbabasa. "antibacterial". Bakit nga pala ako naghuhugas ng kamay? Diba nga marumi kamay ko? Paano yung mga sabon na walang nakasulat na antibacterial? **nyeta talga. Eh di bakit pa ako nagsabon kung hindi rin lang matatanggal yung bacteria? Paano yung germs at virus? Wala namang 'antiviral' at 'germicidal' na nakikita sa takilya diba?  Like, nagsabon ka pa. Hindi rin lang nalinisan yung kamay mo. Wahaha.

Gudlak na lang sa mga maghuhugas ng kamay. piliin niyo yung mga fresh. dapat hindi mapula yung mata. yung hindi lulubog sa tubig.  Naks! alam ko diba? namamalengke ako ehh.

haha. sa susunod! ako ang nagbabagang tagapagbalita: CarlPaolo

0 replies. CLICK! to reply: